Ang mga ipinagmamalaking kabinataan ng Jerusalem ay kasinghalaga ng lantay na ginto, ngunit ngayon ay para na lamang putik na hinugisan ng magpapalayok.
Ang mga taong dati'y sagana sa pagkain dahil sa gutom ay namatay na rin. Ang dating mayayaman ay naghahalungkat, umaasang sa basurahan ay may mabubulatlat.
Ngayo'y mukha nila'y sing-itim ng alkitran, kanilang mga bangkay sa Jerusalem ay naghambalang. Nangulubot na ang kanilang balat, parang kahoy na natuyo ang kanilang mga buto.
“Lumayo kayo, kayong marurumi! Huwag kayong lalapit sa amin!” sabi ng mga tao; kaya't sila'y naging pugante't palabuy-laboy, ni isang bansa'y walang nais tumanggap sa kanila.
Pinagdusahan na ng Zion ang kanyang mga kasalanan kaya't lalaya na siya mula sa pagkabihag; ngunit paparusahan ni Yahweh ang Edom dahil sa kanyang kalikuan, at ibubunyag ang kanyang mga kasalanan.