Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Sinabi sa akin ni Yahweh, |
| 2 |
| “Ezekiel, anak ng tao, ano ba ang kahigtan ng puno ng ubas kaysa punongkahoy sa gubat? |
| 3 |
| Mayroon ba itong ibang mapaggagamitan? Maaari ba itong gawing tulos o sabitan ng kagamitan? |
| 4 |
| Hindi! Ito ay panggatong lamang. At kung masunog na ito'y wala nang silbi. |
| 5 |
| Kung noong buo pa ito ay wala nang mapaggamitan, gaano pa kung uling na. Lalong wala nang gamit!” |
| 6 |
| Kaya naman ipinapasabi ni Yahweh: “Kung paanong ang baging ay kinukuha sa gubat upang igatong, gayon ang gagawin ko sa mga taga-Jerusalem. |
| 7 |
| Tatalikuran ko sila. Makatakas man sila sa apoy, ito rin ang papatay sa kanila. At makikilala ninyong ako si Yahweh kapag naparusahan ko na sila. |
| 8 |
| Ang lupaing iyon ay gagawin kong pook ng lagim pagkat hindi sila naging tapat sa akin.” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/ezekiel/015.mp3
48
15