×

Magandang Balita Bible (Revised) 2005

Ezekiel 15

1
Sinabi sa akin ni Yahweh,
2
“Ezekiel, anak ng tao, ano ba ang kahigtan ng puno ng ubas kaysa punongkahoy sa gubat?
3
Mayroon ba itong ibang mapaggagamitan? Maaari ba itong gawing tulos o sabitan ng kagamitan?
4
Hindi! Ito ay panggatong lamang. At kung masunog na ito'y wala nang silbi.
5
Kung noong buo pa ito ay wala nang mapaggamitan, gaano pa kung uling na. Lalong wala nang gamit!”
6
Kaya naman ipinapasabi ni Yahweh: “Kung paanong ang baging ay kinukuha sa gubat upang igatong, gayon ang gagawin ko sa mga taga-Jerusalem.
7
Tatalikuran ko sila. Makatakas man sila sa apoy, ito rin ang papatay sa kanila. At makikilala ninyong ako si Yahweh kapag naparusahan ko na sila.
8
Ang lupaing iyon ay gagawin kong pook ng lagim pagkat hindi sila naging tapat sa akin.”
Tagalog Bible 2005
2005 Philippine Bible Society
:
I-save ang Mga Tala