Lalo silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: silay nangaghahain sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.
Akin silang pinatnubayan ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at akoy naging sa kanilay parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at akoy naglagay ng pagkain sa harap nila.
Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.
Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagkat akoy Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.
Silay magsisilakad ng ayon sa Panginoon, na siyang uungal, na parang leon; sapagkat siyay uungal, at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na mula sa kalunuran.
Silay darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto, at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria; at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay, sabi ng Panginoon.
Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot, at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya; ngunit ang Juday nagpupuno pang kasama ng Dios, at tapat na kasama ng Banal.