Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Oh Israel, manumbalik ka sa Panginoon mong Dios; sapagkat ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan. |
| 2 |
| Magpahayag kayo na may pagsisisi, at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayoy aming ilalagak na parang mga toro ang handog ng aming mga labi. |
| 3 |
| Hindi kami ililigtas ng Asiria; kami ay hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, Kayoy aming mga dios; sapagkat dahil sa iyoy nakakasumpong ng kaawaan ang ulila. |
| 4 |
| Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, akin silang iibiging may kalayaan; sapagkat ang aking galit ay humiwalay sa kaniya. |
| 5 |
| Akoy magiging parang hamog sa Israel: siyay bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano. |
| 6 |
| Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong, at ang kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo, at ang kaniyang bango ay parang Libano. |
| 7 |
| Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik; silay mangabubuhay uling gaya ng trigo, at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas: at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano. |
| 8 |
| Sasabihin ng Ephraim, Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan? Akoy sasagot, at aking hahalatain siya: akoy parang sariwang abeto; mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga. |
| 9 |
| Sino ang pantas, at siyay makakaunawa ng mga bagay na ito? at mabait, at kaniyang mangalalaman? sapagkat ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid, at lalakaran ng mga ganap; ngunit kabubuwalan ng mga mananalangsang. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/hosea/014.mp3
14
14