Dinggin ninyo ito, Oh ninyong mga saserdote, at inyong pakinggan ninyong sangbahayan ni Israel, at inyong ulinigin, Oh sangbahayan ng hari, sapagkat sa inyoy nauukol ang kahatulan; sapagkat kayoy naging isang silo sa Mizpa, at isang panghuli na nalagay sa Tabor.
Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manumbalik sa kanilang Dios; sapagkat ang pagpapatutot ay nasa loob nila, at hindi nila nakikilala ang Panginoon.
At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: kayat ang Israel at ang Ephraim ay mangatitisod sa kanilang kasamaan; ang Juday matitisod ding kasama nila.
Silay magsisiyaong kasama ng kanilang kawan at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon; ngunit hindi nila masusumpungan siya: Siyay umurong sa kanila.
Silay nagsigawa ng paglililo laban sa Panginoon; sapagkat silay naganak ng ibang mga anak: lalamunin nga sila ng bagong buwan sangpu ng kanilang mga parang.
Nang makita ng Ephraim ang kaniyang sakit, at nang makita ni Juda ang kaniyang sugat, naparoon nga ang Ephraim sa Asiria, at nagsugo sa haring Jareb: ngunit hindi niya mapagagaling kayo, ni kaniyang mapagagaling man kayo sa inyong sugat.
Sapagkat akoy magiging parang leon sa Ephraim, at parang isang batang leon sa sangbahayan ni Juda, Ako, sa makatuwid bagay ako, ay aagaw at aalis; akoy magaalis, at walang magliligtas.
Akoy yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha: sa kanilang pagdadalamhati ay hahanapin nila akong mainam.