“Pakinggan ninyo ito, mga pari! Dinggin ninyo ito, sambahayan ni Israel! Makinig kayo, sambahayan ng hari! Sapagkat kayo ang tinutukoy sa kahatulan. Kayo'y naging bitag sa Mizpa, at lambat na nakalatag sa Bundok Tabor.
Dahil sa kanilang mga ginawa, hindi na sila makapanumbalik sa Diyos. Sapagkat nasa kanila ang espiritu ng kasamaan, at hindi nila nakikilala si Yahweh.
“Nangangamkam ng lupa ang mga pinuno ng Juda; binago nila ang palatandaan ng pagbabahagi sa kanilang lupain. Kaya parang bahang ibubuhos ko sa kanila ang aking poot.
“Nang makita ni Efraim ang maselan niyang karamdaman, at ni Juda ang kanyang mga sugat, si Efraim ay nagpasugo sa hari ng Asiria. Subalit hindi na siya kayang pagalingin, hindi na mabibigyang-lunas ang kanyang mga sugat.
Sapagkat parang leon akong sasalakay sa Efraim, parang isang mabangis na batang leon na gugutay sa Juda. Lalapain ko ang Juda saka iiwan, at walang makakapagligtas sa kanila.