×

Ang Biblia 1905 TLAB

Hosea 6

1
Magsiparito kayo, at tayoy manumbalik sa Panginoon; sapagkat siyay lumapa, at pagagalingin niya tayo; siyay nanakit, at kaniyang tatapalan tayo.
2
Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayoy mangabubuhay sa harap niya.
3
At ating kilalanin, tayoy magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga; at siyay paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa.
4
Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, ano ang gagawin ko sa iyo? sapagkat ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, at parang hamog na lumalabas na maaga.
5
Kayat aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas.
6
Sapagkat akoy nagnanasa ng kaawaan, at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.
7
Ngunit sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan: dooy nagsigawa silang may paglililo laban sa akin.
8
Ang Galaad ay bayang gumagawa ng kasamaan; tigmak sa dugo.
9
At kung paanong ang mga pulutong ng mga tulisan na nagsisiabang sa isang tao, ay gayon ang pulutong ng mga saserdote na nagsisipatay sa daan na dakong Sichem; Oo, silay gumawa ng kahalayan.
10
Sa sangbahayan ni Israel ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay: dooy nagpatutot ang Ephraim, ang Israel ay napahamak.
11
Sa iyo man, Oh Juda, may takdang paggapas, pagka aking ibabalik ang nangabihag sa aking bayan.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982
:
I-save ang Mga Tala