Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Nag-usap-usap ang mga taga-Israel. Sabi nila, “Halikayo! Magbalik-loob tayo sa Panginoon. Sinaktan niya tayo, kaya siya rin ang magpapagaling sa atin. |
| 2 |
| Para tayong mga patay na agad niyang bubuhayin. Hindi magtatagal, at ibabangon niya tayo para mamuhay sa kanyang presensya. |
| 3 |
| Pagsikapan nating makilala ang Panginoon. Siyaʼy tiyak na darating, kasintiyak ng pagsikat ng araw. Darating siya na parang ulan na didilig sa mga lupain.” |
| 4 |
| Pero sinabi ng Panginoon, “O Israel at Juda, ano ang gagawin ko sa inyo? Ang pag-ibig ninyo sa akin ay parang ambon o hamog sa umaga na madaling mawala. |
| 5 |
| Kaya nga binalaan ko kayo sa pamamagitan ng mga propeta na kayoʼy mapapahamak at mamamatay. Hahatulan ko kayo na kasimbilis ng kidlat. |
| 6 |
| Sapagkat hindi ang inyong mga handog ang nais ko, kundi ang inyong pagmamahal. Mas nanaisin ko pang kilalanin ninyo ako kaysa sa mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog. |
| 7 |
| Pero tulad ni Adan, sinira ninyo ang kasunduan natin. Nagtaksil kayo sa akin diyan sa inyong lugar. |
| 8 |
| Ang bayan ng Gilead ay tirahan ng masasamang tao at mga mamamatay-tao. |
| 9 |
| Ang inyong mga pari ay parang mga tulisan na nag-aabang ng kanilang mabibiktima. Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem, at gumagawa ng marami pang nakakahiyang gawain. |
| 10 |
| Mga taga-Israel, kakila-kilabot ang nakita ko sa inyo. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan, kaya naging marumi kayo. |
| 11 |
| Kayo ring mga taga-Juda ay nakatakda nang parusahan. “Gusto ko sanang ibalik ang mabuting kalagayan ng aking mga mamamayan.” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/hosea/006.mp3
14
6