Nang aking pagagalingin ang Israel, ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw, at ang kasamaan ng Samaria; sapagkat silay nagsinungaling; at ang magnanakaw ay pumapasok, at ang pulutong ng mga tulisan ay nananamsam sa labas.
At hindi nila ginugunita sa kanilang mga puso na aking inaalaala ang lahat nilang kasamaan: ngayoy kinukulong sila sa palibot ng kanilang sariling mga gawa; silay nangasa harap ko.
Silang lahat ay mga mangangalunya; silay parang hurnong iniinit ng magtitinapay; siyay tumitigil na magsulong ng apoy, mula sa paggawa ng masa hanggang sa umaasim.
Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi.
Sapagkat kanilang inihanda ang kanilang puso na parang hurno, samantalang silay nangagaabang: ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag; sa kinaumagahay nagniningas na parang liyab na apoy.
At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: gayon may hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios, ni hinanap man siya nila, dahil sa lahat na ito.
Pagka silay magsisiyaon, ay aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila; akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid; aking parurusahan sila, gaya ng narinig sa kanilang kapisanan.
Sa aba nila! sapagkat silay nagsilayas sa akin; kagibaay suma kanila! sapagkat silay nagsisalangsang laban sa akin: bagaman silay aking tinubos, gayon may nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin.
At silay hindi nagsidaing sa akin ng kanilang puso, kundi silay nagsiangal sa kanilang mga higaan: silay nagpupulong dahil sa trigo at alak; silay nanganghimagsik laban sa akin.
Silay nanganunumbalik, ngunit hindi sa kaniya na nasa kaitaasan: silay parang magdarayang busog: ang kanilang mga prinsipe ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak dahil sa poot ng kanilang dila: ito ang magiging katuyaan sa kanila sa lupain ng Egipto.