Kapag ang mga trumpeta'y humudyat sa lunsod, hindi ba't manginginig sa takot ang mga tao? Kapag may sakunang dumating sa lunsod, hindi ba si Yahweh ang may gawa niyon?
Ipahayag mo sa mga nakatira sa mga tanggulan ng Asdod, at sa mga tanggulan ng Egipto, “Magtipon kayo sa mga bundok ng Samaria, tingnan ninyo ang malaking kaguluhan doon, maging ang nagaganap na pang-aapi sa lunsod.”
“Hindi na nila alam ang paggawa ng mabuti,” sabi ni Yahweh. “Ang mga bahay nila'y punung-puno ng mga bagay na kinamkam sa pamamagitan ng karahasan at pagpatay.
Sabi pa ni Yahweh, “Kung paanong walang maililigtas ang isang pastol sa tupang sinila ng isang leon, liban sa dalawang paa't isang tainga. Iilan din ang ililigtas ng Diyos sa mga Israelitang nakatira ngayon sa Samaria at nakahiga sa magagarang higaan.
“Sa araw na parusahan ko ang mga taga-Israel dahil sa kanilang mga kasalanan, wawasakin ko ang mga altar sa Bethel, at malalaglag sa lupa ang mga iyon.