Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Habang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya ng ganito: |
| 2 |
| “Yahweh, nang ako'y nasa kagipitan, nanalangin ako sa inyo, at sinagot ninyo ako. Mula sa daigdig ng mga patay ako'y tumawag sa inyo, at dininig ninyo ako. |
| 3 |
| Itinapon ninyo ako sa kalaliman; sa pusod ng karagatan. Nabalot ako ng malakas na agos ng tubig, at malalaking alon ang sa akin ay tumabon. |
| 4 |
| Akala ko'y malayo na ako sa inyo, at hindi ko na kailanman makikitang muli ang banal mong Templo. |
| 5 |
| Hinigop ako ng kalaliman, hanggang sa tuluyang lumubog; napuluputan ang aking ulo ng mga halamang dagat. |
| 6 |
| Ako'y bumabâ sa paanan ng mga bundok, sa libingan ng mga patay. Ngunit mula roo'y buháy akong iniahon, O Yahweh. |
| 7 |
| Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga, naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin, at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig. |
| 8 |
| Ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan ay hindi naging tapat sa inyo. |
| 9 |
| Ngunit aawit ako ng pasasalamat at sa inyo'y maghahandog; tutuparin ko ang aking mga pangako, O Yahweh na aking Tagapagligtas!” |
| 10 |
| Pagkatapos, inutusan ni Yahweh ang isda na iluwa si Jonas sa dalampasigan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/jonah/002.mp3
4
2