Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Muli akong tumingala at may nakita akong kasulatang lumilipad. |
| 2 |
| Tinanong ako ng anghel, “Ano ang nakikita mo?” “Isa pong kasulatang lumilipad. Ang haba po nito ay siyam na metro at apat at kalahating metro naman ang lapad,” sagot ko. |
| 3 |
| Sinabi niya sa akin, “Diyan nakasulat ang mga sumpa sa daigdig. Sa kabila ay sinasabing aalisin sa lupain ang lahat ng magnanakaw; sa kabila naman ay sinasabing aalisin din ang lahat ng sinungaling. |
| 4 |
| Ipadadala ko ito sa sambahayan ng mga magnanakaw at sa sambahayan ng mga sinungaling. Mananatili ito sa sambahayang iyon upang ubusin sila nang lubusan.” |
| 5 |
| Lumapit sa akin ang anghel at sinabi, “Tumingala ka at tingnan mo kung ano itong dumarating.” |
| 6 |
| “Ano 'yan?” tanong ko sa kanya. “Iyan ay isang malaking basket. Inilalarawan niyan ang kasalanan ng buong sanlibutan,” sagot niya. |
| 7 |
| Bumukas ang tinggang takip nito at nakita kong may isang babaing nakaupo sa loob ng malaking basket. |
| 8 |
| Sinabi sa akin ng anghel, “Iyan si Kasamaan.” At itinulak niya ito pabalik sa loob ng kaing at muling sinarhan. |
| 9 |
| Nang ako'y tumingala, may nakita akong dalawang babaing lumilipad papunta sa akin; malalapad ang kanilang pakpak. Pinagtulungan nilang ilipad na palayo ang malaking basket. |
| 10 |
| Tinanong ko ang anghel, “Saan nila iyon dadalhin?” |
| 11 |
| Sumagot siya, “Sa Babilonia. Gagawa sila ng templo roon upang paglagyan ng malaking basket. Pagkatapos, sasambahin nila ito.” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/zechariah/005.mp3
14
5