×

Magandang Balita Biblia

Numero 2

1
Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron:
2
Ang mga Israelita'y magtatayo ng kanilang tolda sa paligid ng Toldang Tipanan sa labas ng hanay ng mga Levita, at bawat angkan ay sama-sama sa ilalim ng kanilang watawat.
3
Sa gawing silangan magkakampo ang pangkat ng mga lipi ni Juda, Isacar, at Zebulun: Juda Naason na anak ni Aminadab 74,600 Isacar Nathanael na anak ni Zuar 54,400 Zebulun Eliab na anak ni Helon 57,400
4
5
6
7
8
9
Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 186,400. Sila ang mauuna sa bawat paglakad.
10
Sa gawing timog naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Ruben, Simeon, at Gad: Ruben Elizur na anak ni Sedeur 46,500 Simeon Selumiel na anak ni Zurisadai 59,300 Gad Eliasaf na anak ni Deuel 45,650
11
12
13
14
15
16
Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 151,450. Ang pangkat na ito ang susunod sa pangkat na pangungunahan ng lipi ni Juda.
17
Maging sa paglilipat ng Toldang Tipanan, ang pangkat ng mga Levita ay mananatili sa gitna ng ibang mga pangkat. Sa pagpapatuloy ng paglalakbay, mananatili ang bawat pangkat sa dating ayos sa ilalim ng kani-kanilang watawat.
18
Sa gawing kanluran naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Efraim, Manases, at Benjamin: Efraim Elisama na anak ni Amiud 40,500 Manases Gamaliel na anak ni Pedazur 32,200 Benjamin Abidan na anak ni Gideoni 35,400
19
20
21
22
23
24
Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 108,100. Sila ang pangatlo sa hanay.
25
At sa gawing hilaga naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Dan, Asher, at Neftali: Dan Ahiezer na anak ni Amisadai 62,700 Asher Pagiel na anak ni Ocran 41,500 Neftali Ahira na anak ni Enan 53,400
26
27
28
29
30
31
Ang pangkat na ito ay umaabot sa 157,600. Sila ang kahuli-hulihan sa hanay ng mga kawal.
32
Iyon ang bilang ng mga Israelita ayon sa kani-kanilang lipi. Lahat-lahat ay umabot sa 603,550.
33
Hindi kabilang dito ang mga Levita tulad ng ipinagbilin ni Yahweh kay Moises na huwag isasama sa sensus ang mga ito.
34
Ang lahat ay ginawa ng mga Israelita ayon sa utos ni Yahweh. Nagtayo sila ng tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat, at pangkat-pangkat na nagpatuloy sa paglalakbay.
Tagalog Bible 2012
New Testament 2012 Philippine Bible Society Old Testament 2005 Philippine Bible Society
:
I-save ang Mga Tala