Sinabi ni Balaam kay Balac, “Bantayan mo ang mga handog na ito. Aalis muna ako at baka sakaling makipagkita na sa akin si Yahweh. Anumang sabihin niya sa akin ay sasabihin ko sa iyo.” At nagpunta siyang mag-isa sa tuktok ng isang burol.
Nakipagkita nga kay Balaam ang Diyos. Sinabi ni Balaam, “Nagpagawa po ako ng pitong altar at bawat isa'y pinaghandugan ko ng isang toro at isang lalaking tupa.”
Sinabi ni Balaam, “Mula sa Aram, sa bulubundukin sa silangan, ipinatawag ako ni Balac na hari ng Moab. Ang sabi niya sa akin, ‘Halika't ang bansa ni Jacob ay iyong sumpain. Halika't itakwil mo ang bansang Israel!’
Mula sa tuktok ng mga bundok sila'y aking natatanaw, nakikita ko silang lahat mula sa kaburulan. Sila'y isang bansang namumuhay na mag-isa, alam nilang sila'y mapalad kaysa mga iba!
Ang lahi ni Jacob, alabok ang kagaya; kung ang Israel ay bilangin, ito ba'y makakaya? Mamatay nawa akong gaya ng anak ng Diyos; sa kapayapaan ng matuwid, buhay ko nawa'y matapos!”
Itinanong ni Balac kay Balaam, “Bakit ganyan ang ginagawa mo? Di ba't tinawag kita para sumpain ang aking mga kaaway? Ngunit sa halip ay binabasbasan mo pa sila!”
At nagpunta sila sa bukirin ni Zofim, sa taluktok ng Pisga. Nagpagawa sila roon ng pitong altar at bawat isa'y hinandugan ng tig-iisang toro at tig-iisang tupa.
Pagbalik niya, nakita niya si Balac at ang mga pinunong kasama nito na nakatayo sa paligid ng handog. Tinanong siya ni Balac, “Ano ang sabi ni Yahweh?”
Sa Israel ay wala akong makitang kasawian, sa kanila ay wala ring kapahamakan. Ang Diyos nilang si Yahweh ang kanilang kasama, ipinapahayag nilang siya ang hari nila.
Si Jacob ay hindi makakayang kulamin, ang Israel ay hindi maaaring sumpain. Tungkol sa Israel, ito ang sasabihin ng mga tao: ‘Ito ang gawa ng Diyos at pagmasdan ninyo!’