Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ito ang mga yugto ng paglalakbay ng Israel mula sa Egipto, ayon sa kani-kanilang pangkat, sa pangunguna nina Moises at Aaron. |
| 2 |
| Ayon sa utos ni Yahweh, itinala ni Moises ang bawat yugto ng kanilang paglalakbay buhat sa simula. |
| 3 |
| Umalis ang mga Israelita sa Rameses nang ika-15 araw ng unang buwan, kinabukasan ng Paskwa. Taas-noo silang umalis ng Egipto, kitang-kita ng mga Egipcio |
| 4 |
| habang ang mga ito'y abalang-abala sa paglilibing sa kanilang mga panganay na pinatay ni Yahweh. Ipinakita ni Yahweh na siya'y mas makapangyarihan kaysa mga diyos ng Egipto. |
| 5 |
| Mula sa Rameses, nagkampo sila sa Sucot. |
| 6 |
| Mula sa Sucot, nagkampo sila sa Etam, sa may gilid ng ilang. |
| 7 |
| Mula sa Etam, nagbalik sila sa Pi Hahirot, silangan ng Baal-zefon, at nagkampo sa tapat ng Migdol. |
| 8 |
| Pag-alis nila ng Pi Hahirot, tumawid sila ng dagat at nagtuloy sa ilang. Tatlong araw silang naglakbay sa ilang ng Etam saka nagkampo sa Mara. |
| 9 |
| Mula sa Mara nagtuloy sila ng Elim. Nakakita sila roon ng labindalawang bukal at pitumpung puno ng palmera, at nagkampo sila roon. |
| 10 |
| Mula sa Elim, nagkampo sila sa baybayin ng Dagat na Pula. |
| 11 |
| Mula sa Dagat na Pula, nagkampo sila sa ilang ng Sin. |
| 12 |
| Mula sa ilang ng Sin, nagkampo sila sa Dofca. |
| 13 |
| Mula sa Dofca, nagtuloy sila ng Alus. |
| 14 |
| Mula sa Alus, nagkampo sila sa Refidim, isang lugar na walang maiinom na tubig. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/numbers/033.mp3
36
33