Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Ito ang mga lugar na dinaanan ng mga Israelita nang umalis sila sa Egipto na nakagrupo ang bawat lahi sa ilalim ng pangunguna nina Moises at Aaron. |
| 2 |
| Ayon sa utos ng Panginoon, inilista ni Moises ang kanilang dinaanan na mga lugar mula sa kanilang pinanggalingan. |
| 3 |
| Umalis sila sa Rameses nang ika-15 araw ng unang buwan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Umalis silang may lakas ng loob, habang nakatingin ang mga Egipcio |
| 4 |
| na naglilibing ng lahat ng panganay nilang lalaki na pinatay ng Panginoon dahil hinatulan sila ng Panginoon sa kanilang pagsamba sa mga dios-diosan nila. |
| 5 |
| Mula sa Rameses, nagkampo sila sa Sucot. |
| 6 |
| Mula sa Sucot, nagkampo sila sa Etam, na tabi ng disyerto. |
| 7 |
| Mula sa Etam, nagbalik sila papunta sa Pi Harirot na nasa silangan ng Baal Zefon, at nagkampo malapit sa Migdol. |
| 8 |
| Mula sa Pi Harirot, tumawid sila sa dagat at pumunta sa disyerto. Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw sa disyerto ng Etam at nagkampo sila sa Mara. |
| 9 |
| Mula sa Mara, nagkampo sila sa Elim, kung saan may 12 bukal at 70 puno ng palma. |
| 10 |
| Mula sa Elim nagkampo sila sa tabi ng Dagat na Pula. |
| 11 |
| Mula sa Dagat na Pula nagkampo sila sa ilang ng Sin. |
| 12 |
| Mula sa ilang ng Sin, nagkampo sila sa Dofka. |
| 13 |
| Mula sa Dofka, nagkampo sila sa Alus. |
| 14 |
| Mula sa Alus, nagkampo sila sa Refidim, kung saan walang tubig na naiinom ang mga tao. |
| 15 |
| Mula sa Refidim, nagkampo sila sa disyerto ng Sinai. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/numbers/033.mp3
36
33