ang mga tagubilin para sa bansang Israel, “Pagpasok ninyo sa Canaan, ang lupaing ibinibigay ko sa inyo, ang mga hangganan ng inyong nasasakupan ay ang mga ito:
Sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Iyan ang lupaing ibibigay ni Yahweh sa siyam at kalahating lipi ng Israel; ang partihan ay dadaanin sa pamamagitan ng palabunutan.
Ito ang mga pinuno na napili ni Yahweh: Juda Caleb na anak ni Jefune Simeon Selemuel na anak ni Amiud Benjamin Elidad na anak ni Cislon Dan Buqui na anak ni Jogli Manases Haniel na anak ni Efod Efraim Kemuel na anak ni Siftan Zebulun Elisafan na anak ni Parnah Isacar Paltiel na anak ni Azan Asher Ahiud na anak ni Selomi Neftali Pedael na anak ni Amiud