At liliko ito patimog papunta sa Daang Paahon ng Akrabim, hanggang sa ilang ng Zin, at magpapatuloy sa timog ng Kadesh Barnea. Pagkatapos, didiretso ito sa Hazar Adar hanggang sa Azmon,
Pagkatapos, sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Hatiin ninyo ang mga lupaing ito bilang inyong mana sa pamamagitan ng palabunutan. Sinabi ng Panginoon na ibigay ito sa siyam at kalahating lahi,
Ito ang pangalan ng mga pinili: Juda Caleb na anak ni Jefune Simeon Shemuel na anak ni Amihud Benjamin Elidad na anak ni Kislon Dan Buki na anak ni Jogli Manase na anak ni Jose Haniel na anak ni Efod Efraim na anak ni Jose Kemuel na anak ni Siftan Zebulun Elizafan na anak ni Parnac Isacar Paltiel na anak ni Azan Asher Ahihud na anak ni Shelomi Naftali Pedahel na anak ni Amihud