At nang makaraan ang sabbath, si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago, at si Salome, ay nagsibili ng mga pabango, upang silay magsiparoon at siyay pahiran.
At pagkapasok sa libingan, ay kanilang nakita ang isang binata na nakaupo sa dakong kanan, na nararamtan ng isang damit na maputi; at silay nangagitla.
At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagitla: hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siyay nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya!
Datapuwat magsiyaon kayo, sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro, Siyay nangunguna sa inyo sa Galilea: doon siya makikita, ayon sa sinabi niya sa inyo.
At silay nagsilabas, at nagsitakas mula sa libingan; sapagkat silay nagsipangilabot at nangagitla: at hindi sila nangagsasabi ng anoman sa kanino man; sapagkat silay nangatatakot.
At pagkatapos siyay napakita sa labingisa samantalang silay nangakaupong nagsisikain; at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, sapagkat hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa kaniya pagkatapos na siyay magbangon.
Silay magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at silay magsisigaling.
At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip. Siya nawa.