At siyay muling nagpasimulang magturo sa tabi ng dagat. At nagpipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pat siyay lumulan sa isang daong, at siyay naupo sa dagat; at ang buong karamihan ay nasa lupa sa tabi ng dagat.
At ang mga ibay nangahulog sa mabuting lupa, at nangamunga, na nagsitaas at nagsilago; at may namunga ng tigtatatlongpu, at tiganim na pu, at tigisang daan.
At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwat sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:
Upang kung magsitingin silay mangakakita, at huwag mamalas; at kung mangakinig silay mangakarinig, at huwag mangakaunawa; baka sakaling silay mangagbalikloob, at patawarin sila.
At ang mga itoy yaong nangasa tabi ng daan, na doon nahahasik ang salita; at nang kanilang mapakinggan, pagdakay pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila.
At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kayat pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdakay nangatisod sila.
At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at itoy nagiging walang bunga.
At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan.
At sinabi niya sa kanila, Dinadala baga ang ilaw upang ilagay sa ilalim ng takalan, o sa ilalim ng higaan, at hindi baga upang ilagay sa talagang lalagayan ng ilaw?
At sinabi niya sa kanila, Ingatan ninyo kung ano ang inyong pinakikinggan: sa panukat na inyong isinusukat ay kayoy susukatin; at higit pa ang sa inyoy ibibigay.
Gayon may pagkatanim, ay tumataas, at lumalaki ng higit kay sa lahat ng mga gulay, at nagsasanga ng malalabay; ano pat ang mga ibon sa langit ay mangakasisilong sa kaniyang lilim.