At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayong ito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa makita nila ang kaharian ng Dios na dumarating na may kapangyarihan.
At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan, at silay dinalang bukod sa isang mataas na bundok: at siyay nagbagong-anyo sa harap nila;
At sumagot si Pedro at sinabi kay Jesus, Rabi, mabuti sa atin ang tayoy dumito: at magsigawa kami ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias.
At dumating ang isang alapaap na sa kanilay lumilim: at may isang tinig na nanggaling sa alapaap, Ito ang sinisinta kong Anak; siya ang inyong pakinggan.
At habang nagsisibaba sila sa bundok, ay ipinagbilin niya sa kanila na sa kanino man ay huwag nilang sabihin ang kanilang nakita, maliban na pagka ang Anak ng tao ay magbangong maguli sa mga patay.
At sinabi niya sa kanila, Katotohanang si Elias ay pariritong mauna, at isasauli sa dati ang lahat ng mga bagay: at paanong nasusulat ang tungkol sa Anak ng tao, na siyay maghihirap ng maraming bagay at pawalang halaga?
Datapuwat sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at ginawa din naman nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya.
At pagdating nila sa mga alagad, ay nakita nilang nasa kanilang palibotlibot ang lubhang maraming mga tao, at ang mga eskriba ay nangakikipagtalo sa kanila.
At saan man siya alihan nito, ay ibinubuwal siya: at nagbububula ang kaniyang bibig, at nagngangalit ang mga ngipin, at untiunting natutuyo: at sinabi ko sa iyong mga alagad na siyay palabasin; at hindi nila magawa.
At sumagot siya sa kanila at nagsabi, Oh lahing walang pananampalataya, hanggang kailan makikisama ako sa inyo? hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin.
At dinala nila siya sa kaniya: at pagkakita niya sa kaniya, ay pagdakay pinapangatal siyang lubha ng espiritu; at siyay nalugmok sa lupa, at nagpagulonggulong na bumubula ang kaniyang bibig.
At madalas na siyay inihahagis sa apoy at sa tubig, upang siyay patayin: datapuwat kung mayroon kang magagawang anomang bagay, ay maawa ka sa amin, at tulungan mo kami.
At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan, ay pinagwikaan niya ang karumaldumal na espiritu, na sinasabi sa kaniya, Ikaw bingi at piping espiritu, iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya.
At nang makapagsisisigaw, at nang siyay mapangatal na mainam, ay lumabas siya: at ang batay naging anyong patay; ano pat marami ang nagsabi, Siyay patay.
Sapagkat tinuruan niya ang kaniyang mga alagad, at sa kanilay sinabi, Ibibigay ang Anak ng tao sa mga kamay ng mga tao, at siyay papatayin nila; at pagkapatay sa kaniya, ay siyang magbabangong muli pagkaraan ng ikatlong araw.
At siyay naupo, at tinawag ang labingdalawa; at sa kanilay sinabi niya, Kung sinoman ang ibig na maging una, ay siyang mahuhuli sa lahat, at lingkod ng lahat.
Ang sinomang tumanggap sa isa sa mga ganitong maliliit na bata sa aking pangalan, ay ako ang tinatanggap: at ang sinomang tumanggap sa akin, ay hindi ako ang tinatanggap, kundi yaong sa akiy nagsugo.
Sinabi sa kaniya ni Juan, Guro, nakita namin ang isa na sa pangalan moy nagpapalabas ng mga demonio; at pinagbawalan namin siya, sapagkat hindi sumusunod sa atin.
Datapuwat sinabi ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagkat walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan ko, na pagdakay makapagsasalita ng masama tungkol sa akin.
Sapagkat ang sinomang magpainom sa inyo ng isang sarong tubig, dahil sa kayoy kay Cristo, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi mawawala sa anomang paraan ang ganti sa kaniya.
At ang sinomang magbigay ng ikatitisod sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin, ay mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking gilingang bato, at siyay ibulid sa dagat.
At kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kay sa may dalawang kamay kang mapasa impierno, sa apoy na hindi mapapatay.
At kung ang paa moy makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok kang pilay sa buhay kay sa may dalawang paa kang mabulid sa impierno.
At kung ang mata moy makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Dios na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno;
Mabuti ang asin: datapuwat kung tumabang ang asin, ay ano ang inyong ipagpapaalat? Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin, at kayoy magkaroon ng kapayapaan sa isat isa.