Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;
Nagkaroon nang mga araw ni Herodes, hari sa Judea, ng isang saserdoteng ang ngalay Zacarias, sa pulutong ni Abias: at ang naging asawa niya ay isa sa mga anak na babae ni Aaron, at ang kaniyang ngalay Elisabet.
Datapuwat sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagkat dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan.
Sapagkat siyay magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siyay hindi iinom ng alak ni matapang na inumin; at siyay mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina.
At siyay lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda.
At pagsagot ng anghel ay sinabi sa kaniya, Akoy si Gabriel, na nananayo sa harapan ng Dios; at akoy sinugo upang makipagusap sa iyo, at magdala sa iyo nitong mabubuting balita.
At narito, mapipipi ka at hindi ka makapangungusap, hanggang sa araw na mangyari ang mga bagay na ito, sapagkat hindi ka sumampalataya sa aking mga salita, na magaganap sa kanilang kapanahunan.
At nang lumabas siya, ay hindi siya makapagsalita sa kanila: at hininagap nila na siyay nakakita ng isang pangitain sa templo: at siyay nagpatuloy ng pakikipagusap sa kanila, sa pamamagitan ng mga hudyat, at nanatiling pipi.
At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.
At narito, si Elisabet na iyong kamaganak, ay naglihi rin naman ng isang anak na lalake sa kaniyang katandaan; at ito ang ikaanim na buwan niya, na datiy tinatawag na baog.
At nangyari, na nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siyay tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama.
At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagkat ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya.
Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang propeta ng kataastaasan; Sapagkat magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan;