|
| 1 |
|
| Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin, |
|
| 2 |
|
| Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita, |
|
| 3 |
|
| Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo; |
|
| 4 |
|
| Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo. |
|
| 5 |
|
| Nagkaroon nang mga araw ni Herodes, hari sa Judea, ng isang saserdoteng ang ngala'y Zacarias, sa pulutong ni Abias: at ang naging asawa niya ay isa sa mga anak na babae ni Aaron, at ang kaniyang ngala'y Elisabet. |
|
| 6 |
|
| At sila'y kapuwa matuwid sa harap ng Dios, na nagsisilakad na walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga palatuntunan ng Panginoon. |
|
| 7 |
|
| At wala silang anak, sapagka't baog si Elisabet, at sila'y kapuwa may pataw ng maraming taon. |
|
| 8 |
|
| Nangyari nga, na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong, |
|
| 9 |
|
| Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote, ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng kamangyan. |
|
| 10 |
|
| At ang buong karamihan ng mga tao ay nagsisipanalangin sa labas sa oras ng kamangyan. |
|
| 11 |
|
| At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon, na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan. |
|
| 12 |
|
| At nagulumihanan si Zacarias, pagkakita niya sa kaniya, at dinatnan siya ng takot. |
|
| 13 |
|
| Datapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka't dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan. |
|
| 14 |
|
| At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya. |
|
| 15 |
|
| Sapagka't siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siya'y hindi iinom ng alak ni matapang na inumin; at siya'y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina. |
|
| 16 |
|
| At marami sa mga anak ni Israel, ay papagbabaliking-loob niya sa Panginoon na kanilang Dios. |
|
| 17 |
|
| At siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda. |
|
| 18 |
|
| At sinabi ni Zacarias sa anghel, Sa ano malalaman ko ito? sapagka't ako'y matanda na, at ang aking asawa ay may pataw ng maraming taon. |
|
| 19 |
|
| At pagsagot ng anghel ay sinabi sa kaniya, Ako'y si Gabriel, na nananayo sa harapan ng Dios; at ako'y sinugo upang makipagusap sa iyo, at magdala sa iyo nitong mabubuting balita. |
|
| 20 |
|
| At narito, mapipipi ka at hindi ka makapangungusap, hanggang sa araw na mangyari ang mga bagay na ito, sapagka't hindi ka sumampalataya sa aking mga salita, na magaganap sa kanilang kapanahunan. |
|
| 21 |
|
| At hinihintay ng bayan si Zacarias, at nanganggigilalas sila sa kaniyang pagluluwat sa loob ng templo. |
|
| 22 |
|
| At nang lumabas siya, ay hindi siya makapagsalita sa kanila: at hininagap nila na siya'y nakakita ng isang pangitain sa templo: at siya'y nagpatuloy ng pakikipagusap sa kanila, sa pamamagitan ng mga hudyat, at nanatiling pipi. |
|
| 23 |
|
| At nangyari, na nang maganap na ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, siya'y umuwi sa kaniyang bahay. |
|
| 24 |
|
| At pagkatapos ng mga araw na ito ay naglihi ang kaniyang asawang si Elisabet; at siya'y lumigpit ng limang buwan, na nagsasabi, |
|
| 25 |
|
| Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw nang ako'y tingnan niya, upang alisin ang aking pagkaduwahagi sa gitna ng mga tao. |
|
| 26 |
|
| Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret, |
|
| 27 |
|
| Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga. |
|
| 28 |
|
| At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasa iyo. |
|
| 29 |
|
| Datapuwa't siya'y totoong nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito. |
|
| 30 |
|
| At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios. |
|
| 31 |
|
| At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. |
|
| 32 |
|
| Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama: |
|
| 33 |
|
| At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian. |
|
| 34 |
|
| At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake? |
|
| 35 |
|
| At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios. |
|
| 36 |
|
| At narito, si Elisabet na iyong kamaganak, ay naglihi rin naman ng isang anak na lalake sa kaniyang katandaan; at ito ang ikaanim na buwan niya, na dati'y tinatawag na baog. |
|
| 37 |
|
| Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan. |
|
| 38 |
|
| At sinabi ni Maria, Narito, ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel. |
|
| 39 |
|
| At nang mga araw na ito'y nagtindig si Maria, at nagmadaling napasa lupaing maburol, sa isang bayan ng Juda; |
|
| 40 |
|
| At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet. |
|
| 41 |
|
| At nangyari, pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria, ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan; at napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo; |
|
| 42 |
|
| At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan. |
|
| 43 |
|
| At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin? |
|
| 44 |
|
| Sapagka't ganito, pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati, lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. |
|
| 45 |
|
| At mapalad ang babaing sumampalataya; sapagka't matutupad ang mga bagay na sa kaniya'y sinabi ng Panginoon. |
|
| 46 |
|
| At sinabi ni Maria, Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon, |
|
| 47 |
|
| At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas. |
|
| 48 |
|
| Sapagka't nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin. Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi. |
|
| 49 |
|
| Sapagka't ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay; At banal ang kaniyang pangalan. |
|
| 50 |
|
| At ang kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi. Sa nangatatakot sa kaniya. |
|
| 51 |
|
| Siya'y nagpakita ng lakas ng kaniyang bisig; Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso. |
|
| 52 |
|
| Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila, At itinaas ang mga may mababang kalagayan. |
|
| 53 |
|
| Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay; At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman. |
|
| 54 |
|
| Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin, Upang maalaala niya ang awa |
|
| 55 |
|
| (Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man. |
|
| 56 |
|
| At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay. |
|
| 57 |
|
| Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake. |
|
| 58 |
|
| At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamaganak, na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya; at sila'y nangakigalak sa kaniya. |
|
| 59 |
|
| At nangyari, na nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siya'y tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama. |
|
| 60 |
|
| At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi, Hindi gayon; kundi ang itatawag sa kaniya'y Juan. |
|
| 61 |
|
| At sinabi nila sa kaniya, Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito. |
|
| 62 |
|
| At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag. |
|
| 63 |
|
| At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat. |
|
| 64 |
|
| At pagdaka'y nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dila'y nakalag, at siya'y nagsalita, na pinupuri ang Dios. |
|
| 65 |
|
| At sinidlan ng takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng lupaing maburol ng Judea. |
|
| 66 |
|
| At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagka't ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya. |
|
| 67 |
|
| At si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi, |
|
| 68 |
|
| Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagka't kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan, |
|
| 69 |
|
| At nagtaas sa atin ng isang sungay ng kaligtasan Sa bahay ni David na kaniyang alipin |
|
| 70 |
|
| (Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon), |
|
| 71 |
|
| Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin; |
|
| 72 |
|
| Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang, At alalahanin ang kaniyang banal na tipan; |
|
| 73 |
|
| Ang sumpa na isinumpa niya kay Abraham na ating ama, |
|
| 74 |
|
| Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway, Ay paglingkuran natin siya ng walang takot, |
|
| 75 |
|
| Sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw. |
|
| 76 |
|
| Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang propeta ng kataastaasan; Sapagka't magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan; |
|
| 77 |
|
| Upang maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan, Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan, |
|
| 78 |
|
| Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin, |
|
| 79 |
|
| Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan. |
|
| 80 |
|
| At lumaki ang sanggol, at lumakas sa espiritu, at nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel. |
|
|
|
|