Nang panahon ding ngang yaon ay nangaroon ang ilan, na nagsipagsabi sa kaniya tungkol sa mga Galileo, na ang dugo ng mga itoy inihalo ni Pilato sa mga hain nila.
At siyay sumagot at sinabi sa kanila, Inaakala baga ninyo na ang mga Galileong ito ay higit ang pagkamakasalanan kay sa lahat ng mga Galileo, dahil sa silay nangagbata ng mga bagay na ito?
O yaong labingwalo, na nalagpakan ng moog sa Siloe, at nangamatay, ay inaakala baga ninyo na silay lalong salarin kay sa lahat ng taong nangananahan sa Jerusalem?
At sinalita niya ang talinghagang ito, Isang tao ay may isang puno ng igos na natatanim sa kaniyang ubasan; at siyay naparoong humahanap ng bunga niyaon, at walang nasumpungan.
At sinabi niya sa nagaalaga ng ubasan, Narito, tatlong taon nang pumaparito akong humahanap ng bunga sa puno ng igos na ito, at wala akong masumpungan: putulin mo; bakit pa makasisikip sa lupa?
At ang pinuno sa sinagoga, dala ng kagalitan, sapagkat si Jesus ay nagpagaling nang sabbath, ay sumagot at sinabi sa karamihan, May anim na araw na ang mga taoy dapat na magsigawa: kaya sa mga araw na iyan ay magsiparito kayo, at kayoy pagagalingin, at huwag sa araw ng sabbath.
Datapuwat sinagot siya ng Panginoon, at sinabi, Kayong mga mapagpaimbabaw, hindi baga kinakalagan ng bawat isa sa inyo sa sabbath ang kaniyang bakang lalake o ang kaniyang asno sa sabsaban, at itoy inilalabas upang painumin?
At ang babaing itong anak ni Abraham, na tinalian ni Satanas, narito, sa loob ng labingwalong taon, hindi baga dapat kalagan ng taling ito sa araw ng sabbath?
At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ay nangapahiya ang lahat ng kaniyang mga kaalit: at nangagagalak ang buong karamihan dahil sa lahat ng maluwalhating bagay na kaniyang ginawa.
Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao, at inihagis sa kaniyang sariling halamanan; at itoy sumibol, at naging isang punong kahoy; at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit.
Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siyay sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayoy taga saan;
At sasabihin niya, Sinasabi ko sa inyo na hindi ko kayo nangakikilala kung kayoy taga saan; magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kalikuan.
Diyan na nga ang pagtangis, at ang pagngangalit ng mga ngipin, kung mangakita ninyo si Abraham, at si Isaac, at si Jacob, at ang lahat ng mga propeta sa kaharian ng Dios, at kayoy palabasin.
At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo, at inyong sabihin sa sorrang yaon, Narito, nagpapalabas ako ng mga demonio at nagpapagaling ngayon at bukas, at akoy magiging sakdal sa ikatlong araw.
Gayon may kailangang akoy yumaon sa aking lakad ngayon at bukas at sa makalawa: sapagkat hindi mangyayari na ang isang propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem.
Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinugo sa kaniya! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, at ayaw kayo!
Narito, sa inyoy iniwang walang anoman ang inyong bahay: at sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.