Sapagkat ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanilay labis; datapuwat siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya.
Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak.
At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito?
At sinabi niya, Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw: sapagkat marami ang paririto sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at, Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod sa kanila.
At pagka kayoy nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagkat kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwat hindi pa malapit ang wakas.
At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa ibat ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.
Datapuwat bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, ay huhulihin kayo, at paguusigin kayo, na kayoy ibibigay sa mga sinagoga at sa mga bilangguan, na kayoy dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan.
Kung magkagayoy ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.
Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagkat magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.
At silay mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.
At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupay magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;
Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagkat mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.
Datapuwat kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagkat malapit na ang pagkatubos ninyo.
Datapuwat mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:
Datapuwat mangagpuyat kayo sa bawat panahon, na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao.