At itoy yaong si Maria na nagpahid sa Panginoon ng unguento, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok, na ang kaniyang kapatid na si Lazaro ay may-sakit.
Ngunit pagkarinig ni Jesus nito, ay sinabi niya, Ang sakit na itoy hindi sa ikamamatay, kundi sa ikaluluwalhati ng Dios, upang ang Anak ng Dios ay luwalhatiin sa pamamagitan niyaon.
Sumagot si Jesus, Hindi baga ang araw ay may labingdalawang oras? Kung ang isang taoy lumalakad samantalang araw, ay hindi siya natitisod, sapagkat nakikita niya ang ilaw ng sanglibutang ito.
Ang mga bagay na itoy sinalita niya: at pagkatapos nitoy sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog; ngunit akoy paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog.
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagamat siyay mamatay, gayon may mabubuhay siya;
Ang mga Judio nga na kaniyang mga kasama sa bahay, at nangagsisialiw sa kaniya, pagkakita nilang si Maria, na siyay nagtindig na madali at lumabas, ay nagsisunod sa kaniya, na inaakalang paroroon siya sa libingan upang dooy tumangis.
Si Maria nga, pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus, at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa sa kaniyang paanan, na sinabi sa kaniya, Panginoon, kung ikaw sanay narito, disin ay hindi namatay ang aking kapatid.
Nang makita nga ni Jesus na siyay tumatangis, at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan,
Datapuwat ang ilan sa kanilay nagsipagsabi, Hindi baga magagawa ng taong ito, na nagpadilat ng mga mata ng bulag, na ang taong ito naman ay huwag mamatay?
Si Jesus nga sa muling pagkalagim sa kaniyang sarili ay naparoon sa libingan. Yaon ngay isang yungib, at mayroong isang batong nakatakip sa ibabaw noon.
Sinabi ni Jesus, Alisin ninyo ang bato. Si Marta, na kapatid niyaong namatay, ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sa ngayon ay nabubulok na ang bangkay sapagkat may apat na araw nang siyay namamatay.
At nalalaman ko na akoy lagi mong dinirinig: ngunit itoy sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang silay magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.
Siya na patay ay lumabas, na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Jesus, Siyay inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon.
Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagkat ang taong itoy gumagawa ng maraming tanda.
Kung siyay ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa.
Ito ngay sinabi niya na hindi sa kaniyang sarili: kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon, ay hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa;
Si Jesus ay hindi na naglalakad ng hayag sa gitna ng mga Judio, kundi naparoon doon sa lupaing malapit sa ilang, sa isang bayan na tinatawag na Efraim; at siyay nanahanan doong kasama ng mga alagad.
Pinaghahanap nga nila si Jesus, at pinaguusapan ng isat isa, samantalang nangakatayo sila sa templo, Anong akala ninyo? Na hindi na kaya siya paririto sa pista?
Ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo nga ay nangagutos, na, kung ang sinomang taoy nakakaalam ng kung saan siya naroroon, ay dapat niyang ihayag, upang kanilang madakip siya.