Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagkat akoy paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.
At kung akoy pumaroon at kayoy maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayoy tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong akoy inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?
Hindi ka baga nananampalataya na akoy nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyoy hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagkat akoy paroroon sa Ama.
Sa makatuwid bagay ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagkat hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siyay nakikilala ninyo; sapagkat siyay tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siyay iibigin ko, at akoy magpapakahayag sa kaniya.
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siyay iibigin ng aking Ama, at kamiy pasasa kaniya, at siyay gagawin naming aming tahanan.
Datapuwat ang Mangaaliw, sa makatuwid bagay ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyoy aking sinabi.
Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung akoy inyong iniibig, kayoy mangagagalak, dahil sa akoy pasasa Ama: sapagkat ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.
Datapuwat upang maalaman ng sanglibutan na akoy umiibig sa Ama, at ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.