Kayoy manatili sa akin, at akoy sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayoy manatili sa akin.
Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at akoy sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagkat kung kayoy hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.
Kung ang sinoman ay hindi manatili sa akin, ay siyay matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at mga titipunin at mga ihahagis sa apoy, at mangasusunog.
Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at akoy nananatili sa kaniyang pagibig.
Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin; sapagkat hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon: ngunit tinatawag ko kayong mga kaibigan; sapagkat ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo.
Akoy hindi ninyo hinirang, ngunit kayoy hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayoy magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo.
Kung kayoy taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: ngunit sapagkat kayoy hindi taga sanglibutan, kundi kayoy hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan.
Alalahanin ninyo ang salitang sa inyoy aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung akoy kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.
Kung hindi sana ako naparito at nagsalita sa kanila, ay hindi sila magkakaroon ng kasalanan: datapuwat ngayoy wala na silang madadahilan sa kanilang kasalanan.
Kung ako sanay hindi gumawa sa gitna nila ng mga gawang hindi ginawa ng sinomang iba, ay hindi sana sila nangagkaroon ng kasalanan: datapuwat ngayon ay kanilang nangakita at kinapootan nila ako at ang aking Ama.
Datapuwat pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid bagay ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin: