Kayoy palalayasin nila sa mga sinagoga: oo, dumarating ang oras, na ang sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing naghahandog siya ng paglilingkod sa Dios.
Datapuwat ang mga bagay na itoy sinalita ko sa inyo, upang kung dumating ang kanilang oras, ay inyong mangaalaala, kung paanong sinabi ko sa inyo. At ang mga bagay na itoy hindi ko sinabi sa inyo buhat pa nang una, sapagkat akoy sumasa inyo.
Gayon may sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na akoy yumaon; sapagkat kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; ngunit kung akoy yumaon, siyay susuguin ko sa inyo.
Gayon may kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.
Ang ilan sa kaniyang mga alagad nga ay nangagsangusapan, Ano itong sinasabi niya sa atin, Sangdali na lamang, at akoy hindi na ninyo makikita; at muling sangdali pa, at akoy inyong makikita: at, Sapagkat akoy paroroon sa Ama?
Natalastas ni Jesus na sa kaniyay ibig nilang itanong, at sa kanilay sinabi niya, Nangagtatanungan kayo tungkol dito sa aking sinabi, Sangdali na lamang, at akoy hindi na ninyo makikita, at muling sangdali pa, at akoy inyong makikita?
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayoy magsisiiyak at magsisipanaghoy, datapuwat ang sanglibutan ay magagalak: kayoy mangalulumbay, datapuwat ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan.
Ang babae pagka nanganganak ay nalulumbay, sapagkat dumating ang kaniyang oras: ngunit pagkapanganak niya sa sanggol, ay hindi na niya naalaala ang hirap dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang tao sa sanglibutan.
At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: ngunit muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan.
At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayoy hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan.
Sinalita ko sa inyo ang mga bagay na ito sa malalabong pananalita: darating ang oras, na hindi ko na kayo pagsasalitaan sa malalabong pananalita, kundi maliwanag na sa inyoy sasaysayin ko ang tungkol sa Ama.
Ngayon ay nakikilala namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay, at hindi nangangailangan na tanungin ka ng sinoman: dahil ditoy nagsisisampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Dios.
Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating na, na kayoy mangangalat, ang bawat tao sa kanikaniyang sarili, at akoy iiwan ninyong magisa: at gayon may hindi ako nagiisa, sapagkat ang Ama ay sumasa akin.
Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayoy magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: ngunit laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.