Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: silay iyo, at silay ibinigay mo sa akin; at tinupad nila ang iyong salita.
Sapagkat ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.
At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at akoy paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang silay maging isa, na gaya naman natin.
Samantalang akoy sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at silay binantayan ko, at isa man sa kanilay walang napahamak, kundi ang anak ng kapahamakan; upang matupad ang kasulatan.
Ngunit ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang silay mangagtamo ng aking kagalakang ganap sa kanila rin.
Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagkat hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.
Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at akoy sa iyo, na sila namay suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na akoy sinugo mo.
Akoy sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang silay malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at silay iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.
Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagkat akoy iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.