Ito rin ay naparoon sa kaniya nang gabi, at sa kaniyay nagsabi, Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios; sapagkat walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa, maliban na kung sumasa kaniya ang Dios.
Sumagot si Jesus at sa kaniyay sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang taoy ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.
Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siyay matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?
Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang taoy ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, ngunit hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawat ipinanganak ng Espiritu.
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ang nalalaman namin ay sinasalita namin, at ang aming nakita ay pinatototohanan namin; at hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo.
Kung sinabi ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa lupa at hindi ninyo pinaniniwalaan, paanong paniniwalaan ninyo kung sabihin ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa langit?
Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniyay sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagkat hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nagsiparoon si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea; at doon siya tumira na kasama nila, at bumabautismo.
At silay nagparoon kay Juan, at sa kaniyay sinabi, Rabi, yaong kasama mo sa dako pa roon ng Jordan, na binigyan mong patotoo, narito, siyay bumabautismo, at ang lahat ng mga taoy nagsisiparoon sa kaniya.
Ang nagtatangkilik sa kasintahang babae ay ang kasintahang lalake: datapuwat ang kaibigan ng kasintahang lalake, na nakatayo at nakikinig sa kaniya, ay nagagalak na lubos dahil sa tinig ng kasintahang lalake: ito ngang aking kaligayahan ay naganap.
Ang nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat: ang galing sa lupa ay taga lupa nga, at ang ukol sa lupa ang sinasalita niya: ang nanggagaling sa langit ay sumasaibabaw ng lahat.
Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.