Sinabi nga sa kaniya ng babaing Samaritana, Paano ngang ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na akoy babaing Samaritana? (Sapagkat hindi nangakikipagusap ang mga Judio sa mga Samaritano.)
Sumagot si Jesus at sa kaniyay sinabi, Kung napagkikilala mo ang kaloob ng Dios, at kung sino ang sa iyoy nagsasabi, Painumin mo ako; ikaw ay hihingi sa kaniya, at ikaw ay bibigyan niya ng tubig na buhay.
Datapuwat ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniyay aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; ngunit ang tubig na sa kaniyay aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan.
Sa kaniyay sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.
Datapuwat dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
Sinabi sa kaniya ng babae, Nalalaman ko na paririto ang Mesias (ang tinatawag na Cristo): na pagparito niya, ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay.
At sa ganitoy nagsidating ang kaniyang mga alagad; at silay nangagtaka na siyay nakikipagsalitaan sa isang babae; gayon may walang taong nagsabi, Ano ang iyong hinahanap? o, Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya?
Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyoy aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin.
At marami sa mga Samaritano sa bayang yaon ang sa kaniyay nagsisampalataya dahil sa salita ng babae, na nagpatotoo, Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa.
At sinabi nila sa babae, Ngayoy nagsisisampalataya kami, hindi dahil sa iyong pananalita: sapagkat kami rin ang nakarinig, at nalalaman naming ito nga ang Tagapagligtas ng sanglibutan.
Kaya nang siyay dumating sa Galilea, ay tinanggap siya ng mga Galileo, nang kanilang mangakita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem sa kapistahan: sapagkat sila man ay nagsiparoon din sa kapistahan.
Naparoon ngang muli siya sa Cana ng Galilea, na dooy kaniyang pinapaging alak ang tubig. At naroroon ang isang mahal na tao, na ang kaniyang anak na lalake ay may-sakit sa Capernaum.
Nang mabalitaan niya na si Jesus ay dumating sa Galilea na mula sa Judea, ay naparoon siya sa kaniya, at ipinamanhik sa kaniya na siyay lumusong, at pagalingin ang kaniyang anak na lalake; sapagkat siyay naghihingalo.
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Yumaon ka ng iyong lakad; buhay ang anak mo. Pinaniwalaan ng lalake ang salitang sinalita sa kaniya ni Jesus, at siyay yumaon sa kaniyang lakad.
Itinanong nga niya sa kanila ang oras nang siyay pasimulan ng paggaling. Sa kaniya ngay kanilang sinabi, Kahapon nang ikapitong oras inibsan siya ng lagnat.