Datapuwat nang silay nangagpatuloy ng pagtatanong sa kaniya, ay umunat siya, at sa kanilay sinabi, Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya.
At sila, nang itoy kanilang marinig, ay nagsialis na isa-isa, na nagpasimula sa katandatandaan, hanggang sa kahulihulihan: at iniwang magisa si Jesus at ang babae, sa kinaroroonan nito, sa gitna.
At sinabi niya, Wala sinoman, Panginoon. At sinabi ni Jesus, Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayoy huwag ka nang magkasala.
Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.
Sumagot si Jesus at sa kanilay sinabi, Bagamat akoy nagpapatotoo sa akin din, ay totoo ang aking patotoo; sapagkat nalalaman ko kung saan ako nanggaling, at kung saan ako paroroon; datapuwat hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling, o kung saan ako paroroon.
Sa kaniya ngay kanilang sinabi, Saan naroroon ang iyong Ama? Sumagot si Jesus, Hindi ninyo nakikilala ako, ni ang aking Ama: kung akoy inyong makilala, ay makikilala rin ninyo ang aking Ama.
Sinalita niya ang mga salitang ito sa dakong kabang-yaman, nang nagtuturo siya sa templo: at walang taong humuli sa kaniya; sapagkat hindi pa dumarating ang kaniyang oras.
Muli ngang sinabi niya sa kanila, Yayaon ako, at akoy inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.
Sinabi ko nga sa inyo, na kayoy mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagkat malibang kayoy magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.
Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniyay aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan.
Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, ayon sa itinuro sa akin ng Ama.
Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayoy magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayoy tunay nga kayong mga alagad ko;
Silay nagsisagot at sa kaniyay sinabi, Si Abraham ang aming ama. Sa kanilay sinabi ni Jesus, Kung kayoy mga anak ni Abraham, ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham.
Datapuwat ngayoy pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyoy nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: itoy hindi ginawa ni Abraham.
Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagkat akoy nagmula at nanggaling sa Dios; sapagkat hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.
Kayoy sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siyay isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagkat walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagkat siyay isang sinungaling, at ama nito.
Sinabi ng mga Judio sa kaniya, Ngayoy nalalaman naming mayroon kang demonio. Namatay si Abraham, at ang mga propeta; at sinasabi mo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi niya matitikman magpakailan man ang kamatayan.
Sumagot si Jesus, Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang kaluwalhatian ko ay walang anoman: ang aking Amay siyang lumuluwalhati sa akin; na tungkol sa kaniyay sinasabi ninyo, na siyay inyong Dios;
At hindi ninyo siya napagkilala: ngunit nakikilala ko siya; at kung aking sasabihin, na hindi ko siya nakikilala, ay akoy matutulad sa inyo, na sinungaling: datapuwat nakikilala ko siya, at tinutupad ko ang kaniyang salita.