At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kaniyang mga magulang, upang siyay ipanganak na bulag?
At sinabi sa kaniya, Humayo ka, maghugas ka sa tangke ng Siloe (na kung liliwanagin ay Sinugo). Siya ngay humayo, at naghugas, at nagbalik na nakakakita.
Sumagot siya, Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik, at pinahiran ang aking mga mata, at sinabi sa akin, Humayo ka sa Siloe, at maghugas ka: kayat akoy humayo at naghugas, at akoy tumanggap ng paningin.
Muli ngang tinanong naman siya ng mga Fariseo kung paanong tumanggap siya ng kaniyang paningin. At sinabi niya sa kanila, Nilagyan niya ng putik ang ibabaw ng aking mga mata, at naghugas ako, at akoy nakakakita.
Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi, Ang taong itoy hindi galing sa Dios, sapagkat hindi nangingilin sa sabbath. Datapuwat sinasabi ng mga iba, Paano bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan? At nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa gitna nila.
Hindi nga nagsipaniwala ang mga Judio tungkol sa kaniya, na siyay naging bulag, at tumanggap ng kaniyang paningin, hanggang sa kanilang tinawag ang mga magulang niyaong tumanggap ng kaniyang paningin,
Datapuwat kung paanong siyay nakakakita ngayon, ay hindi namin nalalaman; o kung sino ang nagpadilat ng kaniyang mga mata, ay hindi namin nalalaman: tanungin siya; siyay may gulang na; siyay magsasalita para sa sarili niya.
Ang mga bagay na itoy sinabi ng kaniyang mga magulang, sapagkat nangatatakot sa mga Judio: sapagkat pinagkaisahan na ng mga Judio, na kung ang sinomang taoy ipahayag siya na siya ang Cristo, ay palayasin siya sa sinagoga.
Dahil ditoy tinawag nilang bilang ikalawa ang taong naging bulag, at sinabi sa kaniya, Luwalhatiin mo ang Dios: nalalaman naming makasalanan ang taong ito.
Sinagot niya sila, Kasasabi ko lamang sa inyo, at hindi ninyo pinakinggan; bakit ibig ninyong marinig uli? ibig baga naman ninyong kayoy maging mga alagad niya?
Sumagot ang tao at sa kanilay sinabi, Narito nga ang kagilagilalas, na hindi ninyo nalalaman kung siyay taga saan, at gayon may pinadilat niya ang aking mga mata.
Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan: datapuwat kung ang sinomang taoy maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siyay pinakikinggan niya.
At sinabi ni Jesus, Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita, ay maging mga bulag.
Sa kanilay sinabi ni Jesus, Kung kayoy mga bulag, ay hindi kayo magkakaroon ng kasalanan: datapuwat ngayoy sinasabi ninyo, Kamiy nangakakakita: nananatili ang inyong kasalanan.