At nang makita niya na itoy ikinatutuwa ng mga Judio, ay kaniya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro. At nooy mga araw ng mga tinapay na walang lebadura.
At nang siyay mahuli na niya, ay kaniyang inilagay siya sa bilangguan at siyay ibinigay sa apat na tigaapat na kawal upang siyay bantayan; na inaakalang siyay iharap sa bayan pagkatapos ng Paskua.
At nang siyay malapit nang ilabas ni Herodes, nang gabi ring yaon ay natutulog si Pedro sa gitna ng dalawang kawal, na nagagapos ng dalawang tanikala: at ang mga bantay sa harap ng pintuan ay nangagbabantay ng bilangguan.
At narito, tumayo sa tabi niya ang isang anghel ng Panginoon, at lumiwanag ang isang ilaw sa silid na kulungan: at tinapik si Pedro sa tagiliran, at siyay ginising, na sinasabi, Magbangon kang madali. At nangalaglag ang kaniyang mga tanikala sa kaniyang mga kamay.
At sinabi sa kaniya ng anghel, Magbigkis ka, at itali mo ang iyong mga pangyapak. At gayon ang ginawa niya. At sinabi niya sa kaniya. Isuot mo sa iyo ang damit mo, at sumunod ka sa akin.
At nang kanilang maraanan na ang una at ang pangalawang bantay, ay nagsirating sila sa pintuang-bakal na patungo sa bayan; na kusang nabuksan sa kanila: at silay nagsilabas, at nangagpatuloy sa isang lansangan; at pagdakay humiwalay sa kaniya ang anghel.
At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip, ay kaniyang sinabi, Ngayoy nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pagasa ng bayan ng mga Judio.
At nang siyay makapagnilay na, ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na may pamagat na Marcos; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon at nagsisipanalangin.
At nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa tuway hindi niya binuksan ang pintuan, kundi nagtakbo sa loob, ipinagbigay-alam na nakatayo si Pedro sa harap ng pintuan.
Datapuwat siya, nang mahudyatan sila ng kaniyang kamay na silay tumahimik, ay isinaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan. At sinabi niya, Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago, at sa mga kapatid. At siyay umalis, at napasa ibang dako.
At nang siyay maipahanap na ni Herodes, at hindi siya nasumpungan, ay siniyasat niya ang mga bantay, at ipinagutos na silay patayin. At siya buhat sa Judea ay lumusong sa Cesarea, at doon tumira.
At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon: at silay nangagkaisang pumaroon sa kaniya, at, nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagkat ang lupain nilay pinakakain ng lupain ng hari.
At pagdakay sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagkat hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siyay kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga.
At nagbalik na galing sa Jerusalem si Bernabe at si Saulo, nang maganap na nila ang kanilang ministerio, na kanilang isinama si Juan na may pamagat na Marcos.