At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang Aquila, isang lalaking tubo sa Ponto, na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia, kasama ni Priscila na kaniyang asawa, sapagkat ipinagutos ni Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa Roma: at siyay lumapit sa kanila;
At sapagkat ang hanap-buhay niyay gaya rin ng kanila, ay nakipanuluyan siya sa kanila, at silay nagsigawa: sapagkat ang hanap-buhay nilay gumawa ng mga tolda.
Datapuwat nang si Silas at si Timoteo ay magsilusong mula sa Macedonia, si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita, na sinasaksihan sa mga Judio na si Jesus ang siyang Cristo.
At nang silay magsitutol at magsipamusong, ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanilay sinabi, Ang inyong dugoy sumainyong sariling mga ulo: akoy malinis: buhat ngayoy paparoon ako sa mga Gentil.
At siyay umalis doon, at pumasok sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Tito Justo, na isang sumasamba sa Dios, na ang bahay niyay karugtong ng sinagoga.
At si Crispo, ang pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon, pati ng buong sangbahayan niya; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan.
Datapuwat nang bubukhin na ni Pablo ang kaniyang bibig, ay sinabi ni Galion sa mga Judio, Kung itoy tunay na masamang gawa o mabigat na kasalanan, Oh mga Judio, may matuwid na tiisin ko kayo:
Datapuwat kung mga pagtatalo tungkol sa mga salita at mga pangalan at sa inyong sariling kautusan, kayo sa inyong sarili na ang bahala noon; ayaw kong maging hukom sa mga bagay na ito.
At hinawakan nilang lahat si Sostenes, na pinuno sa sinagoga, at siyay hinampas sa harapan ng hukuman. At hindi man lamang pinansin ni Galion ang mga bagay na ito.
At si Pablo, pagkatapos na makatira na roong maraming araw, ay nagpaalam sa mga kapatid, at buhat dooy lumayag na patungo sa Siria, at kasama niya si Priscila at si Aquila: na inahit niya ang kaniyang buhok sa Cencrea; sapagkat siyay may panata.
At nang makagugol na siya roon ng ilang panahon, ay umalis siya, at tinahak ang lupain ng Galacia, at Frigia, na sunodsunod, na pinagtitibay ang lahat ng mga alagad.
Ngayon ang isang Judio na nagngangalang Apolos, na isang Alejandrino sa lahi, at taong marikit mangusap, ay dumating sa Efeso; at siyay makapangyarihan ukol sa mga kasulatan.
Ang taong itoy tinuruan sa daan ng Panginoon; at palibhasay may maningas na espiritu, ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus, na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan:
At siyay nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga. Datapuwat nang siyay marinig ni Priscila at ni Aquila, ay kanilang isinama siya, at isinaysay sa kaniya ang daan ng Panginoon ng lalong maingat.
At nang ibig niyang lumipat sa Acaya, ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at silay nagsisulat sa mga alagad na siyay tanggapin: at nang siyay dumating doon, ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya;