Datapuwat ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawat lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.
Datapuwat ang bawat babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo; sapagkat gaya rin ng kung kaniyang inahitan.
Sapagkat katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasay larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: ngunit ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake.
Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo bagay aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.
At nang siyay makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Itoy aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong itoy siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayoy magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
Sapagkat sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.
Kung ang sinoman ay magutom, kumain siya sa bahay; upang ang inyong pagsasalosalo ay huwag maging sa paghatol. At ang iba ay aking aayusin pagpariyan ko.