Kayat ipinatatalastas ko sa inyo, na wala sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay itinakwil; at wala sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
At sa ibay ang mga paggawa ng mga himala; at sa ibay hula; at sa ibay ang pagkilala sa mga espiritu; at sa ibay ang ibat ibang wika; at sa ibay ang pagpapaliwanag ng mga wika.
Sapagkat kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagamat marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.
Sapagkat sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayoy Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.
At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan;
Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwat hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan;
At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya.
At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-unay mga apostol, ikalaway mga propeta, ikatloy mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at ibat ibang mga wika.