Kung akoy magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwat wala akong pagibig, ay akoy naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw.
At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pat mapalipat ko ang mga bundok, datapuwat wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.
At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwat wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.
Nang akoy bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.
Sapagkat ngayoy malabo tayong nakakikita sa isang salamin; ngunit pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayoy nakikilala ko ng bahagya, ngunit pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.