Ngayoy ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyoy aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan,
Sa pamamagitan naman nitoy ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayoy nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga itoy nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwat ang mga ibay nangatulog na;
Datapuwat sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, ako ngay ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus akoy malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin.
Kung si Cristo ngay ipinangangaral na siyay muling binuhay sa mga patay, bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay?
Oo, at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios; sapagkat aming sinasaksihan tungkol sa Dios, na kaniyang muling binuhay si Cristo; na hindi siyang muling nabuhay, kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay.
Kung magkagayoy darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid bagay sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
Sapagkat kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwat kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayoy ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.
Sa ibang paraan, anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga silay binabautismuhan dahil sa kanila?
Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo, mga kapatid, na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako.
Kung akoy nakipagbaka sa Efeso laban sa mga ganid, ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayoy mangamamatay.
Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala; sapagkat may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayoy kilusin sa kahihiyan.
Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.
Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagkat ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian.
Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman.
Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.
Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagkat tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayoy babaguhin.
Datapuwat pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.
Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayoy magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.