Datapuwat sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang akoy siyasatin ninyo, o ng pagsisiyasat ng tao: oo, akoy hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
Sapagkat wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman hindi dahil ditoy inaaring-ganap ako: sapagkat ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon.
Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawat isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.
Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.
Sapagkat sino ang gumawa na ikaw ay matangi? at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? ngunit kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?
Kayoy mga busog na, kayoy mayayaman na, kayoy nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami namay mangagharing kasama ninyo.
Sapagkat iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagkat kamiy ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao.
Kamiy mga mangmang dahil kay Cristo, ngunit kayoy marurunong kay Cristo; kamiy mahihina, ngunit kayoy malalakas; kayoy may karangalan, datapuwat kami ay walang kapurihan.
At kamiy nangagpapagal, na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay: bagamat inuupasala, ay kamiy nangagpapala; bagamat mga pinaguusig, ay nangagtitiis kami;
Sapagkat bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagkat kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.
Dahil ditoy aking sinugo sa inyo si Timoteo, na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siya ang sa inyoy magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo, gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawat iglesia.