Sa kasalukuyay nababalita na sa inyoy may pakikiapid, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil, na isa sa inyoy nagaari ng asawa ng kaniyang ama.
Sapagkat ako sa katotohanan, bagamat wala sa harapan ninyo sa katawan ngunit akoy nasa harapan ninyo sa espiritu, akin ngang hinatulan na ang gumawa ng bagay na ito, na tulad sa akoy nahaharap,
Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayoy maging bagong limpak, na tulad sa kayoy walang lebadura. Sapagkat ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid bagay si Cristo:
Kaya nga ipangilin natin ang pista, hindi sa lumang lebadura, ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan, kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan.
Tunay nga hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid sa sanglibutang ito, o sa mga masasakim at mga manglulupig, o sa mga mananamba sa diosdiosan; sapagkat kung gayoy kinakailangang magsialis kayo sa sanglibutan:
Datapuwat sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siyay mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayoy huwag man lamang kayong makisalo.