Sapagkat akoy naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagkat kayoy aking pinapagasawa sa isa, upang kayoy maiharap ko kay Cristo na tulad sa dalagang malinis.
Ngunit akoy natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain.
Sapagkat kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayoy nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.
Ako nga bagay nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayoy mangataas dahil sa ipinangaral ko sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios?
At pagka akoy kaharap ninyo at akoy nagkukulang ng ikabubuhay, akoy hindi naging pasan sa kanino man; sapagkat mga kapatid nang silay manggaling sa Macedonia ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako.
Datapuwat ang aking ginagawa ay siya kong gagawin, upang maputol ko ang kadahilanan sa mga nagnanasa ng kadahilanan; upang sa anomang ipinagmamapuri nila ay mangasumpungan sila na gaya namin.
Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.
Muling sinasabi ko, Huwag isipin ng sinoman na akoy mangmang; ngunit kung gayon, gayon may tanggapin ninyo akong gaya ng isang mangmang, upang ako naman ay makapagmapuri ng kaunti.
Sapagkat inyong pinagtitiisan ang sinoman, kung kayoy inaalipin, kung kayoy sinasakmal, kung kayoy binibihag, kung siyay nagpapalalo, kung kayoy sinasampal sa mukha.
Sinasalita ko ang tungkol sa kapulaan, na wari ay naging mahina kami. Ngunit kung ang sinoman ay matapang sa anoman (nangungusap ako sa kamangmangan), akoy matapang din naman.
Sila bagay mga ministro ni Cristo? (akoy nangungusap na waring nasisira ang bait) lalo pa ako; sa pagpapagal akoy lubhang sagana, sa mga bilangguan ay lubhang madalas, sa mga palo ay walang bilang, sa mga ikamamatay ay malimit.
Sa mga paglalakbay ay madalas, sa mga kapanganiban sa mga ilog, sa mga kapanganiban sa mga tulisan, sa mga kapanganiban sa aking mga kababayan, sa mga kapanganiban sa mga Gentil, sa mga kapanganiban sa bayan, sa mga kapanganiban sa mga ilang, sa mga kapanganiban sa dagat, sa mga kapanganiban sa gitna ng mga bulaang kapatid;