At aking isinulat ang bagay ring ito, upang pagdating ko ay huwag akong magkaroon ng kalumbayan doon sa mga nararapat kong ikagalak; sa pagkakatiwala sa inyong lahat, na ang aking kagalakan ay kagalakan ninyong lahat.
Sapagkat sa malaking kapighatian at hapis ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha; hindi upang kayoy palumbayin, kundi upang inyong makilala ang pagibig kong napakasagana sa inyo.
Datapuwat kung ang sinoman ay nakapagpalumbay, hindi ako ang pinalumbay niya, kundi sa isang paraan ay kayong lahat (upang huwag kong higpitang totoo).
Sapagkat dahil din sa bagay na ito ay sumulat ako, upang aking makilala ang katunayan tungkol sa inyo, kung kayoy mga matalimahin sa lahat ng mga bagay.
Datapuwat ang inyong pinatatawad ng anoman ay pinatatawad ko rin naman: sapagkat ang aking ipinatawad naman, kung akoy nagpapatawad ng anoman, ay dahil sa inyo, sa harapan ni Cristo;
Ay hindi ako nagkaroon ng katiwasayan sa aking espiritu, sapagkat hindi ko nasumpungan si Tito na kapatid ko: datapuwat pagkapagpaalam ko sa kanila, akoy napasa Macedonia.
Datapuwat salamat sa Dios, na laging pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawat dako.
Sapagkat hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.