Sapagkat nalalaman namin na kung masira ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan.
Sapagkat tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kamiy bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay.
Sapagkat tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawat isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.
Yamang nalalaman nga ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao, ngunit kami ay nangahahayag sa Dios; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi.
Hindi namin ipinagkakapuring muli ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng dahilan na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin, upang kayoy mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo, at hindi sa puso.
Sapagkat ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagkat ipinasisiya namin ang ganito, na kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayoy lahat ay nangamatay;
At siyay namatay dahil sa lahat, upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay.
Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala ang sinoman ayon sa laman: bagamat nakilala namin si Cristo ayon sa laman, ngunit sa ngayoy hindi na namin nakikilala siyang gayon.
Datapuwat ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo;
Sa makatuwid bagay, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.
Kami ngay mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayoy pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayoy makipagkasundo sa Dios.