(Sapagkat sinasabi niya, Sa panahong ukol kitay pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kitay sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan):
Datapuwat sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri namin ang aming sarili, gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis,
Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat; gaya ng mga magdaraya gayon may mga mapagtapat;
Waring hindi mga kilala, gayon may mga kilalang mabuti; tulad sa nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay; gaya ng mga pinarurusahan, at hindi pinapatay;
Tulad sa nangalulungkot, gayon may laging nangagagalak; tulad sa mga dukha, gayon may nangagpapayaman sa marami; gaya ng walang anomang pag-aari, gayon may mayroon ng lahat ng mga bagay.
Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagkat anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagkat tayoy templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at akoy magiging kanilang Dios, at silay magiging aking bayan.
Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayoy aking tatanggapin,