Datapuwat ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayoy nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yaoy ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin?
At yaong sa inyoy isang tukso sa aking laman ay hindi ninyo inalipusta, ni itinakuwil man; kundi akoy tinanggap ninyong tulad sa isang anghel ng Dios, tulad kay Cristo Jesus.
Saan nga naroon yaong inyong kapalaran? sapagkat pinatototohanan ko sa inyo, na, kung mangyayari, ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin.
Ang mga bagay na itoy may lamang talinghaga: sapagkat ang mga babaing itoy dalawang tipan; ang isay mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga anak sa pagkaalipin, na itoy si Agar.
Sapagkat nasusulat, Magsaya ka, Oh baog na hindi nanganganak; Magbiglang umawit at humiyaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak: Sapagkat higit pa ang mga anak ng pinabayaan kay sa mga anak ng may asawa.
Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan? Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak: sapagkat hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya.