“ Ang mga paring Levita, na buong lipi ni Levi, ay hindi magkakaroon ng bahagi ni mana na kasama ng Israel. Sila'y kakain ng mga handog sa PANGINOON na pinaraan sa apoy, at ng kanyang mana.
At ito ang magiging bahagi ng mga pari sa bayan, mula sa kanila na naghahandog ng alay, maging baka o tupa. Kanilang ibibigay sa pari ang balikat, ang dalawang pisngi, at ang tiyan.
Sapagkat pinili siya ng PANGINOON mong Diyos sa lahat ng iyong mga lipi upang tumayong tagapaglingkod sa pangalan ng PANGINOON, siya at ang kanyang mga anak magpakailanman.
"Kung ang isang Levita ay umalis sa alinman sa iyong mga bayan mula sa Israel kung saan siya naninirahan, at pumaroon siya sa dakong pipiliin ng PANGINOON, at maaari siyang pumaroon kapag gusto niya,
ay maglilingkod nga siya sa pangalan ng PANGINOON niyang Diyos, na gaya ng ginagawa ng lahat ng kanyang mga kapatid na mga Levita, na tumatayo upang maglingkod sa harapan ng PANGINOON.
"Pagpasok mo sa lupaing ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos ay huwag kang mag-aaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal na gawain ng mga bansang iyon.
Huwag makakatagpo sa iyo ng sinumang nagsusunog sa apoy ng kanyang anak na lalaki o babae bilang isang handog, ng manghuhula, o manggagaway o engkantador, o mangkukulam,
Sapagkat sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumal-dumal sa PANGINOON, at dahil sa mga karumaldumal na gawaing ito ay pinalalayas sila ng PANGINOON mong Diyos sa harapan mo.
Sapagkat ang mga bansang ito na iyong aagawan ay nakikinig sa mga manggagaway at mga manghuhula; ngunit tungkol sa iyo, hindi ka pinahintulutan ng PANGINOON mong Diyos na gawin mo ang gayon.
Ito ang inyong hiniling sa PANGINOON mong Diyos sa Horeb, sa araw ng pagtitipon nang inyong sabihin, 'Huwag mong muling iparinig sa akin ang tinig ng PANGINOON kong Diyos, ni ipakita pa sa akin itong malaking apoy, upang huwag akong mamatay'
Ako'y hihirang para sa kanila ng isang propeta na gaya mo mula sa kanilang mga kapatid at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya at kanyang sasabihin sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya.
Ngunit ang propetang magsasalita ng salitang may kapangahasan sa aking pangalan, na hindi ko iniutos na kanyang sabihin o magsasalita sa pangalan ng ibang mga diyos, ang propetang iyon ay mamamatay.'
Kapag ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng PANGINOON, kung ang bagay na sinasabi ay hindi naganap ni nagkatotoo, ang salitang iyon ay hindi sinabi ng PANGINOON; ang propetang iyon ay nagsalita nang may kapangahasan, huwag mo siyang katatakutan.