“Kapag nilipol na ng PANGINOON mong Diyos ang mga bansa, na ang lupain ay ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos, at hahalili ka sa kanila, at iyong titirahan ang kanilang mga bayan, at ang kanilang mga bahay;
Ihahanda mo ang mga daan at hatiin mo sa tatlo ang lawak ng iyong lupain na ipapamana sa iyo ng PANGINOON mong Diyos upang ang bawat nakamatay ng tao ay tumakas patungo roon.
"At ito ang kalagayan ng nakamatay ng tao na tatakas doon at mabubuhay: sinumang makapatay sa kanyang kapwa nang di sinasadya, na hindi niya naging kaaway nang panahong nakaraan;
gaya ng isang tao na nagtungo sa gubat na kasama ang kanyang kapwa upang pumutol ng kahoy at itinaas ng kanyang kamay ang palakol upang putulin ang punungkahoy, dumulas ang patalim sa hawakan at tumama sa kanyang kapwa kaya't siya ay namatay, siya ay tatakas sa isa sa mga lunsod na iyon at siya'y mabubuhay.
Kung hindi, ang tagapaghiganti ng dugo, samantalang nag-iinit sa galit, ay hahabulin ang nakamatay at aabutan siya, sapagkat ang daan ay mahaba, at siya'y saktan ng malubha, gayong siya'y hindi dapat patayin yamang hindi niya naging kaaway nang panahong nakaraan.
At kung palawakin ng PANGINOON mong Diyos ang iyong hangganan gaya ng kanyang ipinangako sa iyong mga ninuno, at ibigay niya sa iyo ang buong lupain na kanyang ipinangakong ibibigay sa iyong mga ninuno;
kung iyong isasagawa ang lahat ng utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ibigin ang PANGINOON mong Diyos at lumakad kailanman sa kanyang mga daan, ay magdadagdag ka pa nga ng tatlong lunsod, bukod sa tadong ito,
upang hindi dumanak ang dugong walang sala sa gitna ng iyong lupain na ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos bilang pamana, kung gayon ang pagkakasala ng dugong dumanak ay mapapasaiyo.
"Ngunit kung ang sinuman ay napopoot sa kanyang kapwa, at kanyang inabangan siya, kanyang sinalakay siya at kanyang saktan siya ng malubha, anupa't namatay, at siya'y tumakas sa isa sa mga lunsod na ito,
"Huwag mong aalisin ang muhon ng iyong kapwa na inilagay ng mga matatanda noong una. Sa mana na iyong mamanahin sa lupaing ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos upang angkinin ay huwag mong aalisin.
"Ang nag-iisang saksi ay hindi mangingibabaw laban sa isang tao sa anumang kasamaan o kasalanang kanyang nagawa; sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay pagtitibayin ang usapin.